ILOILO CITY – Nilusob ng umano’y grupo ng New People’s Army (NPA) ang isang detachment ng mga sundalo sa Calinog, Iloilo, nitong Huwebes.

LUSOB

Sa report ng militar, nabigla ang mga tauhan ng 12th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) nang paputukan ng mga rebelde ang kanilang kampo sa Barangay Cahingon.

Sa kabila nito, nakipagbakbakan pa rin ang tropa ng pamahalaan sa mga rebeldeng pinamumunuan ni Joel Gimong, alyas “Tawi”.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matapos ang ilang minutong sagupaan, umatras ang grupo ni Gimong patungo sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar.

Walang naitalang nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Ayon sa militar, ito ang unang pag-atake ng kilusan sa naturang bayan, kaya’t lalo pa nilang pinaghahandaan ang posible pang paglusob ng mga ito kasabay na rin ng ika-50 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA), kahapon (Marso 29).

-Tara Yap