Lumagda sa P5 milyong programa ang Department of Agriculture (DA) at Universal Robina Corp. (URC) para sa pagsusulong ng industriya ng patatas sa bansa.
Sa isang seremonyal na pagtatanim ng patatas sa malayong komunidad ng Balutakay nitong Biyernes, sinabi ni Secretary Emmanuel Piñol na sa ilalim ng programa, magkakaloob ang URC ng high quality Granola potato seeds mula Canada, isang “widely-cultivated variety”, habang ang DAsa pamamagitan ng High-Value Crops Development Program, ay magbibigay ng mga farm inputs upang matukoy ang mga kooperatiba ng mga nagtatanim ng patatas.
Una nang ibinigay ng URC ang higit 17 tonelada o nasa 17,000 kilo ng Granola seed tubers.
Ayon kay Piñol, tututukan ng DAang implementasyon ng programa at pagkokonektahin ang URC at mga magsasaka para pag-aralan ang mga oportunidad na maaaring makatulong para isang “sustainable, science-based, at market-oriented regional potato industry.”
“URC will teach our farmers the proper way of planting and during their harvest, URC will check the quality of their produce and will buy it if it will pass their standards,” dagdag pa niya.
Hangad din ng programa na matulungan ang mga magsasaka na nakagamit ng mga farm inputs tulad ng mga de kalidad na binhi at mga pataba, maging ang mga pagsasanay at oportunidad sa merkado.
Kabilang sa mga kooperatibang benipisyaryo ng programa ang Highland Farmers Agri Cooperative mula Barangay Kapatagan, Digos City, Davao del Sur, Mt. Apo Potato Farmers Association ng Barangay Managa, Bansalan, Davao del Sur, at Alegre Arabica and Vegetable Growers Association sa Barangay Alegre, Bansalan, Davao del Sur.
Bukod sa DAat URC, magsasagawa at magsasanay rin ang Bureau of Plant Industry-National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS) ng mga potensiyal na seed growers upang matiyak ang availability ng dekalidad na binhi ng papatas sa rehiyon ng Davao.
Maglalaan naman ang Southern Philippines Agri-Business and Marine Aquatic School of Technology (SPAMAST) ng research and development assistance sa pamamagitan ng pagbabantay sa paglago ng mga tanim at ang pagpasok ng mga peste at sakit sa mga binhi mula Canada sa ilalim ng panuntunan ng Davao del Sur.
Noong 2017, umabot sa 380,333 tonelada ang demand ng patatas sa bansa habang ang lokal na produksiyon ay nasa 116,783 tonelada lamang. Nangangahulugan ito ng 69 porsiyentong kakulangan sa lokal na suplay sa bansa.
Sa kaparehong taon, umangkat ang bansa ng 121,652 MT pre-processed fries, na katumbas ng 243,304 tonelada ng sariwang patatas.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, umabot sa 116,783 tonelada ang produksiyon ng puting patatas sa bansa noong 2017 kung saan ang rehiyon ng ang ikalawang pinakamalaking producer ng patatas sa bansa na may 9,846 tonelada base sa taunang produksiyon.
PNA