HALOS ‘di na mabilang ang mga award giving bodies sa bansa na kumikilala sa mga natatanging kagalingan, kakayahan at katalinuhan ng ating mga kababayan, at ang isa sa pinakahihintay ng marami ay ang “The Outstanding Filipino Awards (TOFIL) for 2019”na pormal na inilunsad sa Club Filipino nito lamang nakaraang Miyerkules.

Ang TOFIL awards para sa taong ito ay may temang “Nation Builders and Heroes In Our Midst”, at inaanyayahan ang ating mga kababayan na mag-nominate ng mga kilala nila na mga natatanging Filipino mula sa gulang na 41 taon pataas, na ang “extra-ordinary achievement” ay nakatulong sa sambayanang Filipino, sa kapakanan ng buong bansa, at nararapat lamang na pamarisan ng ating mga kababayan.

“For over 30 years, TOFIL awards has been giving recognition to remarkable men and women who have served the Filipino people through their exceptional work and excellence,” ang buong pagmamalaki ni JCI Sen. Domingo “Jun” Roque, ang kasalukuyang pangulo ng Junior Chamber International (JCI) at JCI Senate Philippines (JCISP).

Ayon naman kay JCI Sen. Melandrew T. Velasco, JCISP national chairman at PR director: “I believe there are many outstanding and exemplary Filipinos whose lives have left lasting legacy to their contemporaries and to the younger generation of nation-builders and leaders, and we will honor them in the next coming months.” Sinegundahan naman ito Roque nang ipagdiinan niya na ang mga kababayan nating ito ay dapat lamang na ipagmalaki ng ating bansa at maging inspirasyon ng lahat, lalo na ng ating mga kabataan.

Kaya sa pamamagitan ng pagkakapit bisig ng JCISP at ANSA Foundation ay magkatuwang na inilunsad ang paghahanap sa “TOFIL Awardees” para sa taong 2019.

Ang mga interesado na mag-nominate ng inaakala nilang karapat-dapat maging isa sa awardees ng TOFIL Award ay maaaring makakuha ng kopya ng “nomination form” on-line sa website na ito ng http://www.jcitofil.com/.

Ang programang ito ay inilunsad noong 1988 ng JCISP at nakapagbigay na ng natatanging parangal sa mahigit 100 kalalakihan at kababaihan sa bansa, na nagpakadalubhasa at kinilala sa kanilang mga larangan.

Ang ilan lamang sa halos 100 mga natatanging Filipino na nabigyan ng parangal na ito ay sina Cecilia Muños Palma (Public Service, 1988); Diosdado Macapagal (Government service, 1990); Helena Zoila T. Benitez (Education, 1996); Efren “Bata” Reyes (Sports, 1999); David Consunji (Construction Industry, 2002); at Antonio P. Meloto (Humanitarian Service, 2006).

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected].

-Dave M. Veridiano, E.E.