DA T I a y h i n d i madalas mag-post s i Marian Rivera ng photos ng panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia, at karaniwan lang kapag may pinuntahan silang event o kung out-of-town or out of the country silang mag-anak.

Zia

Pero lately ay mas marami nang exposure si Zia sa social media, since may sarili na rin siyang endorsement, isang milk brand.

Kaya hindi na mapipigilan na ma-expose nga si Zia sa foreign websites at mapansin kung gaano kaganda ang anak nina Marian at Dingdong. At kamakailan nga, isang popular website na based sa Vietnam ang nakapansin sa ganda ni Zia.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Ang Kenh14 ay isa sa most-read Vietnamese websites na teens ang target market, at kamakailan ay nag-post ito ng list compiling the “most beautiful children” of Asian celebrities, at kabilang sa mga na-feature sa nasabing listahan si Zia.

Sa artikulo sa website, sinabi nitong si Zia has an “extremely perfect face” and is a “little angel” that could follow in her parents’ footsteps.

Si Zia lang din ang only Filipino na nakasali sa nasabing list, huh? Congratulations!

-Nora V. Calderon