Tumanggi si Special Envoy to China Ramon Tulfo na mag-sorry sa pagtawag niya sa mga manggagawang Pinoy na “incompetent and inefficient”.

TULFO

Ito ay matapos na hilingin sa kanya ng isang grupo ng manggagawa na bawiin niya ang nasabing pahayag, na mas gusto ng mga employer ang mga manggagawang Chinese kaysa mga Pinoy dahil mas masisipag ang mga ito.

"To the Filipino construction workers: Why should I apologize to you for telling the truth that you’re basically lazy and a slowpoke? Does the truth hurt?” tweet ni Tulfo sa Twitter nitong Sabado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna rito, sinabi ni Tulfo na mas magaling ang mga manggagawang  Chinese kaysa mga Pinoy, bilang depensa sa pagdagsa ng Chinese workers sa bansa, sa panayam sa kanya ng CNN Philippines nitong Marso 7.

“Do you know why the developers prefer Chinese workers? Because they are hardworking. The Filipino workers, pardon me, when they go to the job site, that's only the time they would prepare their tools – whereas the Chinese workers are already prepared – and then they always smoke cigarettes and talk nonstop,” aniya sa panayam.

Tinawag ng Trade Union Congress of the Philippines ang mga pahayag ni Tulfo na isang pagtataksil sa mga Pilipino.

Idinii ni TUCP President Raymond Mendoza na ang mga Pinoy ang "most sought-after type of workers compared to other nationalities because of their high quality of doing their work.”

Hiniling ni Mendoza kay Tulfo na bawiin nito ang kanyang mga sinabi.

"Such statements are highly provocative, inflammatory, offensive, insensitive and unpatriotic particularly at this times when the issue of the influx of Chinese workers taking some jobs rightfully for Filipinos is a hot topic among our people," ani Mendoza.

Kinastigo rin ng lider ng Bukluran ng Pilipinong Manggagawa at senatorial bet na si Ka Leody De Guzman si Tulfo.

“Unfair na sabihin ito ni Tulfo dahil nagkandakuba-kuba na [ang manggagawang Pinoy] sa kakatrabaho at marami ang nagkakasakit sa kaka-overtime para lang may mauwi sa pamilya ang manggagawa,” ani De  Guzman.

Ayon pa kay De Guzman “kung masipag man itong si Tulfo, ito ay kasipagang magsalita at mang-intriga.”

-Erma Edera at Bella Gamotea