Hindi nakapalag ng isang dentista nang dakmain siya ng mga awtoridad matapos umanong mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana habang papasok sa istasyon ng LRT-Line 2 sa Cubao, Quezon City, nitong Biyernes ng hapon.

DENTIST

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD)-Station 7 chief, Supt. Giovanni Caliao ang suspek na si Royce Albert Esteban, 28, ng Barangay 520, Sampaloc, Maynila.

Sa police report, papasok na si Esteban sa south entrance gate ng istasyon sa Araneta Center nang kapkapan siya ng security guard, dakong 4:30 ng hapon.

National

Bagyong Gener, napanatili ang lakas; malapit na sa WPS

Habang nirerekisa, narekober umano ng LRT security guard na si Eugene Abalon ang isang pakete ng sigarilyo at isang nakabilot na papel mula kay Esteban.

Nang buksan, nadiskubreng naglalaman ang mga ito ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana.

Kaagad namang dinampot si Esteban at pansamantalang nasa kustodiya ng mga awtoridad para kasuhan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Alexandria Dennise San Juan