Si Jazell Barbie Royale ng Amerika ang kinoronahang Miss International Queen sa Thailand nitong Biyernes, sa beauty pageant para sa mga transgender woman, at naging unang person of colour na nagwagi sa 15-taong kumpetisyon.

Jazell Barbie Royale (AFP)

Jazell Barbie Royale (AFP)

Hindi makapaniwang sinalo ni Jazell ng magkabilang palad ang kanyang mukha bago itinaas ang mga braso at napaiyak matapos niyang marinig ang kanyang pangalan bilang bagong nagmamay-ari ng titulo ng pageant sa seaside city ng Pattaya.

Tinalo ng community leader at HIV activist ang 19 na iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Brazil, Peru, at ilang Asian countries.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Sinabi ni Jazell na inaasahan niyang magsisilbing inspirasyon ang kanyang pagkapanalo para sa iba pang itim mula sa iba’t ibang dako ng mundo na magsasabing “if she can do it, I’m coming to Miss International Queen next year and I’m going to compete”.

Mula sa Florida, sinabi ni Jazell na nais niyang gamitin ang kanyang titulo upang imulat ang marami tungkol sa kahalagahan ng pagpapasuri kung may HIV, ng safe sex, at maagap na gamutan sakaling magpositibo.

“There are a lot of living with HIV but don’t go to get treatment,” ani Jazell.

Iniuwi rin ng 31-anyos na si Jazell ang Best Talent award.

AFP