AKSIYONG umaatikabo ang tiyak na masasaksihan sa pagtatapat ng pinakamahuhusay na muaythai fighters sa bansa sa ilalargang ‘Ultimate Muaythai Challenge’ sa  Marso 27 sa Metrotent ng Metrowalk, Pasig City.

PRO MUAY! May lugar nang mapupuntahan ang mga local muaythai fighters sa binuong professional group na WBC Muaythai, sa pangangasiwa ng Games and Amusement Board (GAB) matapos maisapinal ang pagsumite ng mga requirement sa regulatory body ng bansa. Ibinida nina (mula sa kaliwa) WBC MuayThai Philippines representative Erwin Tagle, GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, promoter Donny Elvina ng Sipaksi Inc., GAB Commissioner Eduard Trinidad at Zhie Vallega ang championship belt para sa National championship sa sisimulang Muaythai Ultimate Challenge sa Marso 27 sa Metro tent sa Mertrowalk sa Pasig City.

Sa pangangasiwa ng Games and Amusement Board (GAB) at World Boxing Council (WBC) Muaythai, nakalinya ang 12 duwelo tampok ang labanan sa main event nina Fritz Aldrin Biagtan ng Biagtan Muay Thai at Brent Velasco ng Tribal Torogi para sa featherweight (125 lbs) championship.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabuuang 1,000 fighters, officials entertainment personalities ang inaasahang dadagsa sa Metrotent para saksihan ang kauna-unahang professional muay thai fight card sa bansa.

“After a series of meeting, GAB approved and supports the group’s program and activities which was commissioned under the World Boxing Council which aimed to find the best fighters in the country who can  compete for national and international titles,” pahayag ni Mitra.

Bukod sa WBC Muaythai National Championship belt, isasagawa rin ang exhibition match, Inter-City 18, below muaythai competition, junior muaythai championship, exhibit at muay boran/taksa demonstration sa programa na inorganisa ng DTC Events &Promos, Inc.

Narito ang iba pang fight cards:

Fernando Venus vs Jervie Kosca Tiongco (superfly, 115 lbs.), Jeremy Bastian vs Pio Rafae Fajardo (middle weight, 155 lbs.), Jason Randa vs Kervin Lampacan (featherweight, 125 lbs.), Brian Salando vs Albert Matayom (super featherweight, 130 lbs.), Rogelio Enuberables vs Nathaniel Caldera (welterweight, 145 lbs.);

Karol Maguinde vs Moises Lois Ilogon (bantamweight, 118 lbs.), Christopher Baluyos vs Adelle Vincent Rosales (15 under mini-flyweight, 90 lbs.) Kateleen Batela Badinas vs Ahsley Jazmine Gavina (15-under mini-flyweight, 90 lbs.), Mario Sismundo vs Jerry Olsim, Krisna Limbaga vs Jonabelle Angyab at Ahmadine Talapas vs Jose Carlo Laurel (exhibition match).

-Edwin Rollon