Target ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting na makakuha ng kalahating milyong volunteers upang magbantay sa halalan sa Mayo 13.

VOLUNTEERS

Ayon kay PPCRV board member Dr. Arwin Serrano, mas mababa ang naturang bilang kumpara sa 800,000 volunteers na kinailangan nila noong 2016.

Paliwanag niya, mas kaunti ang kinakailangan nilang volunteers ngayon dahil mas kakaunti ang voting precinct centers sa eleksiyon sa Mayo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Bagamat 500,000 volunteers naman, aniya, ang target ng PPCRV, 300,000 lang naman ang “ideal minimum” na bilang ng volunteers na itatalaga sa kanilang mga command centers at sa mga polling precincts.

“We should have at least 300,000 volunteers nationwide. That’s the ideal minimum, but we are targeting 500,000,” ani Serrano.

Ang mga interesadong maging PPCRV volunteer ay dapat na 18-anyos pataas, rehistradong botante, hindi kaanak ng sinumang nagsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) hanggang sa fourth degree of consanguinity, at walang kaanak na kandidato sa isang partikular na distrito.

-Mary Ann Santiago