SIMULA nang mag-umpisa ang showbiz career ni Bea Alonzo 18 years ago, hindi pa nakagawa ng horror film ang aktres dahil nalinya siya sa iba’t ibang kuwento ng romantic comedy at drama.

Bea, Charo at Direk Mikhail

Pasado siya sa lahat ng karakter na ginawa niya at ilang awards na rin ang natanggap niya mula sa mga ginampanan niya sa pelikula na pawang blockbuster, kaya naman natagurian siyang Movie Queen of Philippine Movies sa kasalukuyang henerasyon.

Na-master na marahil ni Bea ang mga karakter sa drama at rom-com kaya tumanggap na siya ng horror film, ang Eerie na idinirek ni Mikhail Red, kasama ang iniidolo niyang si Ms. Charo Santos- Concio.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Isa raw ang dating presidente at CEO ng ABS-CBN sa mga pangarap na makatrabaho ni Bea, batay na rin sa kuwento niya sa katatapos na Eerie mediacon sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma nitong Sabado.

“Dream come true po para sa akin na makasama sa isang frame si Ma’am Charo. Honestly nu’ng umpisa kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano. Ano ba dapat expectations ko? Ibang pakiramdam ‘yun (makaharap). Parang nag-share kayo ng art, kayong dalawa. So, hindi ko makakalimutan itong experience na ito,” sabi ni Bea.

“And also first time ko rin na gumawa ng horror movie. My first time with Direk Mikhail Red. First time ko rin makasali sa festival.”

Ang Singapore International Film Festival na nagkaroon ng world premiere sa Capitol Theater nitong Disyembre ang binanggit ni Bea.

Sagot naman ni Ms Charo sa papuri ni Bea: “Bea was only 13 years old when I met her. At talagang nasundan ko ang kanyang career. Isa siya sa mga hinahangaan ko sa mga kabataang artista.

“I felt excited, and I really look forward to working with her. She’s a very intelligent and generous actress. She works hard. She comes to the set prepared. Pero, ‘pag break naman, nagbi-break din naman siya from her character. Yeah, she’s a true professional. Her attitude towards her craft is admirable.”

Napangiti si Bea sa pahayag na ito ng dati niyang boss sa ABS-CBN.

“Kinikilig ako. Gusto kong kumuha ng copies ng lahat ng mga interviews namin. Ipapa-frame ko ng malaki ang picture naming magkasama. Sino ba ang makapagsasabi na nakasama ko ang ‘Asia’s Best Actress’ sa isang pelikula.”

Ayon kay Direk Mikhail, parehong mahusay sa Eerie sina Bea at Ms. Charo.

“She (Charo) was so good in this movie,” mabilis na sagot ni Bea.

“I just gave my best,” sabi ni Ms Charo. “Alam mo naman kanya-kanyang mata ‘yan, kanya-kanyang perspective. Wala sa aking mga kamay.”

Pero bakit nga ba ngayon lang gumawa ng horror movie si Bea?

“May offer naman noong araw, pero tinatanggihan ko talaga dahil I felt I wasn’t ready. Kasi matatakutin ako and I’m not ready to go to dark places. Napanood ko lang ‘yung horror film na The Exorcism of Emily Rose natakot na ako, hindi ako makatulog na mag-isa, isang buwan nga akong nagpasamang matulog sa kuwarto ko.

“But after I read the script of Eerie by young director, Mikhail Red, and I learned that I will be working with Ma’am Charo, I just felt I can’t say no to this project. We filmed it for 20 days in an old seminary at marami talagang kahiwagaang naganap while we’re shooting it,” kuwento ng aktres.

Isa sa Eerie experience ni Bea habang sinu-shoot ang pelikula: “’Yung nakita n’yo sa trailer na mga scenes na may flashlights. Sa totoong buhay kasi naglagay lang sila ng ibang ilaw sa flashlight, wala nang ibang source of light sa mga eksena.

“So imagine, hawak ko ‘yung flashlight sobrang pitch black ‘yung daraanan ko, tapos ‘yung eksena kailangang bubuksan ko ‘yung pinto tapos may hahanapin ako, eh, takot na takot ako kasi baka bago pa ako makarating sa pinto na ‘yun na nakasara, biglang nagbukas ‘yung pinto on its own. So talagang hindi ko talaga kinaya, ayoko nang gawin.”

“Eerie talaga nangyari on set,” sabi nik Direk Mikhail. “Very creepy naman talaga ‘yung location naming na seminary. Doon kami natutulog ilang days na rin. Rural na lugar, isolated at kami lang angtao.

“Gabi na ‘to (eksena), may shoot naro’n na very precise na kailangan may timing naipu-push ‘yung dolly and then mari-reveal ‘yung isang character tapos pumasok siya sa frame.

“Gabi na, paulit-ulit hindi namin ma-timing-an, papasok ‘yung kamera, ‘yung aktor nami-miss ‘yung mark. So ang ginagawa namin, cue pumapalak pa ako, 1, 2 and 3 clap tapos papasok ‘yung actor, hindi naming makuha parang take 9 or 10 na at midnight na.

“Pagod na kaming lahat, tahimik na lahat wala na kaming energy kaya sabi ko, sige, let’s do it one more time, roll! Siyempre pagod na ako, na-miss ko ‘yung mark, hindi ako nakapag-clap. ‘Pag roll ng camera biglang may nag-clap on his own, pasok ‘yung aktor, ‘perfect take’ sabi ng lahat. Pumalakpak lahat, pati ‘yung AD (assistant director) sabi niya, ‘perfect take, good take.’ Tapos sabi ko, ‘guys hindi ako ‘yung nag-cue no’n’ tapos lahat kinilabutan. Kaya naging joke na lang naming na, ‘na-frustrate na ‘yung mga multo dito sila na ‘yung gumawa para magawa natin ‘yung shot.”

Nakakatakot talaga ang Eerie dahil ipinapanood sa media ang10 minute trailer bago magsimula ang presscon pero hindi na tumagal ang lahat na panoorin ang ikalawang trailer pagkatapos ng Q and A dahil eerie na talaga.

Sa huli ay nabanggit ni Bea na may eksena sila ni Ms. Charo sa bandang huli ng pelikula na talagang speechless siya at nawala sa sarili dahil nakita niya kung gaano kagaling ang tinaguriang Asia’s Best Actress.

Ang Eerie ay joint venture ng Star Cinema at Cre8 (Singapore), Mediaeast at mapapanood na sa Marso 27. Kasama rin sa pelikula sina Jake Cuenca, Joy Apostol at Maxene Magalona-Mananquil.

-Reggee Bonoan