Nagbabadya ang panibagong big-time oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

OIL

Sa taya ng industriya ng langis, asahan ang pagtataas ng mahigit P1 sa kada litro ng gasolina, diesel, at kerosene.

Ang nakaambang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pebrero 19 nang madagdagan ng P0.70 ang kada litro ng gasolina at diesel, habang 35 sentimos naman sa kerosene.

Dahil sa sunud-sunod na oil price hike, humihirit na sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney driver at operator na gawing P10 ang minimum na pasahe sa jeep, na nasa P9 sa kasalukuyan.

-Bella Gamotea