Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
3:00 n.h. -- NU vs Ateneo (Jrs Finals)
SISIMULAN na ang duwelo para sa kampeonato ng UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa pagitan ng National University at Ateneo de Manila ngayong hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Ganap na 3:00 ng hapon ang Game One ng best-of-3 finals series ng dalawang koponan.
Nakaposok sa ikawalong sunod na taon sa Finals, tatangkain ng Bullpups na maibalik ang korona na huli nilang nahawakan noong Season 78.
Inaasahang mangunguna para sa nasabing misyon ng NU sina Terrence Fortea, Gerry Abadiano, Cyril Gonzales, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.
“We do our best every day. Regardless kung ano mangyayari, we give our best lang,” pahayag ni NU coach Goldwin Monteverde.
Muli namang pangungunahan ang defending champion Ateneo na bigong manalo sa NU noong eliminations sa kanilang higanteng sentro na si Kai Sotto.
“Kailangan naming paghandaan talaga nang mabuti yung NU kasi di sila magiging 13-1 nang patsamba-tsamba lang,” anang 7-foot-1 na si Sotto. “Kailangan din naming maging ready kasi alam naming ibibigay talaga ng NU yung lahat.”
Bukod kay Sotto, sasandigan din ni coach Reggie Varilla sina ace guard Forthsky Padrigao at isa pang sentro na si Geo Chiu.
-Marivic Awitan