Patay ang dalawang katao at isa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek ang sinasakyan nilang van sa EDSA sa Mandaluyong City, ngayong Linggo ng hapon.

EDSA (MB, file)

EDSA (MB, file)

Kinilala ng Mandaluyong City Police ang mga nasawi na sina Jose Ruiz Yulo, 62; at Nomer Santos, 51 anyos. Sugatan naman si Esmeralda Ignacio, 38 anyos.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong 3:08 ng hapon ngayong Linggo at bumibiyahe sa EDSA, malapit sa Reliance Street ang puting Toyota Hi-Ace (NOS-361) ng mga biktima nang dikitan ito ng mga armadong suspek at pagbabarilin sa kanang bahagi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaagad na dinala sa ospital ang mga biktima, pero binawian ng buhay ang dalawa sa mga ito.

Nagdulot naman ng matinding trapiko sa southbound lane ng EDSA ang insidente.

Jhon Aldrin Casinas