IN fairness kay Chef Lorence Anthony Guardian, ipinost niya ang letter of apology niya kay Sunshine Cruz at sa anak ng aktres, at open ang Instagram account niya, kaya libreng mag-comment ang netizens.
Sa kanyang letter, nilinaw din ni Lorence Anthony Guardian na hindi siya direct employee ng hotel na ilang beses na nabanggit sa mga posts at balita kung saan naroroon ang restaurant na dating pinagtatrabahuhan niya. Nilinaw siyang siya ay “employed under a local manpower agency”.
“I would like to apologize on the events that had happened last January 13, 2019 and February 12, 2019. To Ms. Sunshine Cruz and her daughter I am very sorry on what happened in the incident and what I have said through Instagram.”
Dahil open ang comment box, kung anu-anong masasamang salita ang ibinato ng mga netizens laban sa chef, na hindi nito sinasagot.
Matatandaang bago mag-apologize sa mag-ina ni Sunshine at sinibak na sa kanyang pinagtatrabahuhan si Lorence, at mismong ang pamunuan ng restaurant ang nag-a-update kay Sunshine ng mga naging hakbangin nito laban sa chef.
-Nitz Miralles