BAGAMA’T nasa kanyang ‘peak’ ng playing career, pinag iisipan na at pinaghahandaan ni Barangay Ginebra ace guard LA Tenorio ang kanyang patutunguhan sakaling magtapos ang pro career.

Ang 2-time PBA Finals Most Valuable Player ay bahagi ng coaching staff ng bagong itinalagang coach ng Letran na si Bonnie Tan.

Kasama si Tenorio nina Lou Gatumbato, Raymond Tiongco, at RJ Guevara sa coaching staff ng Knights na dadalhin ang pangalan ng kanilang tagapagtaguyod na Petron sa paglahok nila sa PBA D League na magbubukas ngayong Huwebes-Araw ng mga Puso.

Kaugnay ng pagsabak niya sa coaching, nauna ng nagtatag ng basketball academy si Tenorio kung saan nagsilbi siyang mentor ng iba’t-ibang youth basketball program.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Samantala, maliban sa core ng koponan ng Letran sa NCAA, mapapailalim din sa kanilang paggabay sa koponan ng Petron si University of the East hotshot Alvin Pasaol bilang guest player.

-Marivic Awitan