BAGO pumanaw ang komedyanteng si Bentong nitong Sabado ng madaling araw ay nakapag-record pa ito ng video greeting para kay Johnny Manahan, a.k.a. Mr. M, para sa kaarawan ng huli.

Bentong

Si Mr. M. ang naging daan para mabigyan ng break sa show business si Bentong, o Domingo Brotamante, Jr. sa tunay na buhay.

Matatandaang naging sidekick pa si Bentong ni Willie Revillame noong panahon ng Wowowee, na naging numero unong noontime show ng Kapamilya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa nasabing video, napaiyak si Bentong as he expressed his gratitude to Mr. M for all the help he received from the Star Magic head. Mensahe ni Bentong kay Mr. M: “Siya nag-discover sa akin. Wala akong masabi sa kanya. Napakabait ni Mr. M. Nagkasakit nga ‘yung anak ko, humingi ako ng tulong sa kanya. Binigyan niya ako ng pera, ‘yun gumaling nga anak ko.

“Ang birthday message ko… Mr. M, pag-ingatan mo sarili mo. Mahal na mahal kita. Hindi kita makakalimutan. Pasensiya ka na po, Mr. M, nagiging emosyonal ako dahil sa mga tulong n’yo sa akin.

“Nag-iisa ka lang, Mr. M, wala kang katulad. Happy birthday, maraming salamat,” sabi ni Bentong.

February 9 nang binawian ng buhay si Bentong sa Fairview General Hospital, dahil umano sa heart attack. May diabetes din ang 55-anyos na komedyante.

-Ador V. Saluta