Magpapatupad ang Meralco ng 57 sentimos kada kilowatt hour na taas-singil ngayong Pebrero.

MB, file

MB, file

Ayon sa Meralco, tumaas ng halos piso ang generation charge, ngunit bumaba naman ang ilang charges, kaya 57 centavos/kWh lang ang madadagdag sa electric bill ngayong buwan.

Bunsod ng naturang dagdag-singil, ang mga bahay na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay makakaranas ng P114 na dagdag-bayarin sa kanilang bill, habang P171 naman ang sa mga kumokonsumo ng 300 kWh bawat buwan.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

Kung nakakagamit naman ng 400 kWh kada buwan ang isang bahay, magkakaroon sila ng P228 dagdag-singil ngayong Pebrero.

Para naman sa mga kumokonsumo ng 500 kWh kada buwan, madadagdagan ng P285 ang susunod na bayarin nila sa kuryente.

Mary Ann Santiago