HINDI na lang basta guest ang boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad sa mga show ng GMA 7, dahil mapapanood na rin siya sa teleserye.
Nag-guest sa Dear Uge, Taste Buddies at Unang Hirit si Clint dahil sa rom-com series na Love You Two, kung saan kasama na siya sa cast.
Sa first taping day nga ni Jennylyn Mercado ay kasama nang nag-taping ng aktres si Clint.
Una nang nagkasama sa isang episode sina Jennylyn at Clint, at kinakitaan sila ng chemistry. Kinilig ang Kapuso viewers sa kanila.
Nag-wish sila na mapanood uli ang dalawa sa mas mahabang show at natupad na nga.
Hindi lang maiwasang mag-comment ang bashers ni Clint. Nagbunga na raw ang pagpapapansin ng binata sa social media, dahil may show na siya sa GMA 7, at pang-primetime pa.
Bukod kay Jennylyn, bida rin sa serye si Gabby Concepcion, sa direksiyon Irene Villamor.
-NITZ MIRALLES