SACRAMENTO, Calif. (AP) — Nagsalansan si Stephen Curry ng 42 puntos, tampok ang 20 sa final period para pangunahan ang Golden State Warriors sa mahigpitang 127-123 panalo laban sa Saramento Kings nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Kumana ang two-time MVP ng 10 three-pointer, habang kumubra si
Kevin Durant ng 29 puntos, siyam na assists at limang rebounds, habang nag-ambag si Klay Thompson ng 20 puntos para makumpleto ang three-game sweep sa Kings ngayong season series.
Tulad sa nakalipas na laro laban sa Houston, 135-134, nitong Biyernes, nabitiwan ng Warriors ang tagan sa 20 puntos na bentahe, ngunit mas naging matatag ang Warriors sa pagkakataong ito sa krusyal na sandal.
Sinandigan ni Curry ang Warriors sa naisalpak na tatlong three-pointer sa final period kasunod ang apat na free thriw, kabiang ang dakawa sa huling 9.4 segundo.nt
Nanguna si Buddy Hield sa Kings sa natipang 32 puntos, tampok ang career high walong three-pointer. Nag-ambag si Justin Jackson ng career-high 28 pountos, habang tumipa si Willie Cauley-Stein na may 14 puntos at 13 rebounds.
RAPTORS 123, BUCKS 116
SA Milwaukee, hataw sina Kawhi Leonard at Pascal Siakam sa naiskor na tig-30 puntos sa panalo ng Toronto Raptors kontra Milwaukee Bucks 123-116.
Kumana si Serge Ibaka ng 25 puntos at siyam na rebounds, habang tumipa si Fred VanVleet ng 21 puntos at tumipa si Danny Green ng 12 puntos at siyam na rebounds.
Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa Bucks na may 43 puntos at 18 rebounds,habang nagsalansan sina Malcolm Brogdon 15 puntos at Khris Middleton at Eric Bledsoe na may tig-14 puntos para sa Bucks na galing sa matikas na five-game winning streak.
BLAZERS 110, ROCKETS 101
Sa Portland, ginapi ng Trail Blazers, sa pangunguna ni Jusuf Nurkic na may 25 puntos at 15 rebounds, ang Houston Rockets.
Natuldukan ang 40-plus points streak ni James Harden, gayundin ang si-game winning run ng Rockets.Tumapos si Harden na may 38 puntos.
Kumubra si CJ McCollum ng 24 puntos at tumipa si Damian Lillard ng 17 puntos at 12 rebounds para sa Blazers, ngwagi sa ikatlong pagkakataon sa huling apat na laro.
Hataw si Austin Rivers sa natipang season-high 21 puntos para sa Houston, habang umiskor si Clint Capela ng 13 puntos at 21 rebounds.
SPURS 108, GRIZZLIES 88
Sa San Antonio, nagtumpok nang pinagsamang 37 puntos sina Derrick White at LaMarcus Aldridge para maisalba ang masamang simula tungo sa ika-12 panalo sa huling 15 laro.
Hataw si Mike Conley ng 21 puntos para sa for Memphis, habang kumikig din sina Jaren Jackson at Dillon Brooks.
Naungusan ng Spurs ang Grizzlies sa 20-11 sa pagsisimula ng fourth quarter, kung saan nagawang maibaba ang 24 puntos na bentahe.
pupoint lead. Memphis pulled within 95-86 with 5 minutes remaining on Brooks’ third 3-pointer, but San Antonio’s starters reclaimed a double-digit lead.
PELICANS 133, CAVS 98
Sa Cleveland, umiskor sina Jrue Holiday at Julius Randle ng kabuuang 44 puntos para sandigan ang New Orleans Pelicans kontra sa Cleveland Cavaliers sa ikasiyam na sunod na kabiguan.
Nakamit ng Cavaliers ang masaklap na kabiguan isang araw matapos magpatawag ng pulong si coach Larry Drew. Tangan ng Cleveland ang 8-32 karta.
Kumubra si Anthony Davis ng 20 puntos at 10 rebounds, habang kumana si Julius Randle ng 12 rebounds at may anim na Pelicans ang umiskor ng double figures.
Nanguna sa Cavs si Jordan Clarkson na may 23 puntos, at kumana si Rookie Collin Sexton at Jalen Jones ng tig 15 puntos.
Sa iba pang laro, pinataob ng Philadelphia, sa pangunguna nina Joel Embiid na may 25 puntos at 12 rebounds, at Ben Simmons na may 20 puntos at 14 rebounds at 11 assists, ang Dallas Mavericks.