May 22, 2026

Home BALITA

Mga labi ng dalawang nasawi sa aksidente sa NAIA, naiuwi na

Mga labi ng dalawang nasawi sa aksidente sa NAIA, naiuwi na
Photo courtesy: Contributed photo

Iniuwi na sa kani-kanilang probinsya ang mga labi ng dalawang biktimang nasawi sa aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Linggo, Mayo 4, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

Ayon sa mga ulat, naunang dinala sa Veronica Funeral Home sa Pasay City ang mga labi ng 28-anyos na lalaki at 5 taong gulang na batang babae, bago tuluyang binyahe pauwi.

Sa ilang larawang ibinahagi ng Facebook page ng NAIA, nakaburol na sa Bulacan ang lalaking biktima na noo'y patungo raw sanang Dubai.

Naiuwi na rin naman sa Batangas ang batang babaeng biktima na anak ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na papunta na sanang Czech Republic nang mangyari ang aksidente. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

KAUGNAY NA BAITA: 'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa

Samantala, nananatili pa rin sa ospital ang ina ng batang biktima, na sumailalim din sa operasyon bunsod pa rin ng nasabing aksidente. Magkakasama sila at ang lola ng bata nang maganap ang pananagasa ng SUV. 

Ngayong Lunes, Mayo 5, 2025, inaasahang lalabas ang medical examination ng 47-anyos na driver ng SUV na sumagasa sa mga biktima. Posible umano siyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple physical injuries at damage to properties. 

BASAHIN: LTO, sinuspinde lisensya ng driver na umararo ng ilang katao sa NAIA