Nagbigay ng pamantayan sa ibobotong kandidato ngayong 2025 midterm elections ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte.
Sa isinagawang campaign sortie ng PDP-Laban sa Quezon City noong Linggo, Mayo 4, sinabi ni ni Kitty na dapat pumili ng kandidatong matino at matapat sa paglilingkod.
“Pumili tayo ng matino at matapat sa paglilingkod kasi kung hindi kawawa tayong lahat at ang mga susunod na henerasyon,” saad ni Kitty.
Dagdag pa niya, “Mahalagang magkaisa tayo sa araw ng eleksyon. May 12, 2025. Suportahan natin ang PDP-Laban senatorial slate o mas kinikilalang DuterTEN.”
Bukod dito, iminungkahi rin ni Kitty ang bloc voting upang mahirapan umanong mandaya ang mga kalaban.
Kaya naman sa isang bahagi ng kaniyang talumpati, hinikayat niya ang kabataan na bantayan ang bawat boto.
MAKI-BALITA: Kitty Duterte sa kabataan: 'Bantayan ang boto!'