Karagdagang proyekto ang target ngayong taon para sa pagpapalawig ng sports ang siyang pagtutuunan ng pansin ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2019.

Kabilang sa mga proyektong paiigtingin ng PSC ngayong 2019 ay ang kanilang grassroots program, kabilang na ang pagsasagawa ng Batang Pinoy, Philippine National Games, PSC Pacquiao Cup, Indigenous Peoples Games at ang Palarong Pambansa.

Nakipag sanib-puwersa ang PSC sa Department of Education (DepED) noong nakraang taon sa pmamagitan ng Memorandum of Agreement, (MOA) na naglalayong mas pag ibayuhin pa ang pagsasagawa ng mga kompetisyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bukod sa DepEd, hiningi din ng PSC ay ayuda ng Local Government Units (LGUs) upang maging maayos ang pagdaraosan na lugar ng mga laro ng mga kabtaang atleta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang din sa pagtutuunan ng pansin ng PSC ngayong taon ay ang preparasyon para sa hosting ng bansa sa Southeast Asian Game na magaganap sa Nobyembre.

Kasalukuyang inaasikaso ng PSC na simulan ang pagpapagawa ng ilang mga venues na posibleng pagdaosan ng biennial meet.

Target din ng PSC na maisaayos ang dormitory ng mga atleta na nakatira sa Rizal Memorial Sports Complex at sa Ultra kung saan nakapila din sa ipapaayos ngayong taon na ito.

Nais din ng PSC na bigyan ng maisakatuparan ang pagbibigay ng magandang nutrisyon para sa mga atleta kung kaya kabilang din ang pagkakaroon ng isang maganda at malinis na athlete’s diner ang siyang target na maisaktuparan ng nasabing ahensiya.

-Annie Abad