Muling nililigawan ng Barangay Ginebra ang kanilang dating MVP na si Mark Caguioa para sa nalalapit na pagbubukas ng PBA.

Isang taon ang kontrata na muling ibibigay ng Gin Kings sa kanilang dating shooting guard kung saan parehong sweldo ang kanyang makukuha kung pipirma itong muli.

Sa naging dating perfroamcne ni Caguioa, nagtala ito ng 3.6 puntos sa 42 laro ng Gin Kings sa katatapos na PBA Season kung saan naabot nito ang 10,000 points record.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May average din si Caguioa na 13.9 points sa kabuuang 717 na laro ng Ginbera kung saan naranasan nito na makapag champion ng pitong beses.

Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Caguioa at hinihintay na lamang ng Gin Kings ang kanyang pagbabalik upang malaman kung tatanggapin nito ang kanilang alok.

Si Caguioa ay tinaguriang Rookie of the Year ng 2001 PBA Season at ilang ulit din na naksama sa Mythical team ng premyadong liga.