TODAY, December 25, Christmas Day, ang simula ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa ika-44 na taon nito. Ngayon pa lang ay itinatanong na kung aling entry ang magiging top-grosser sa opening day. Ito kasi ang araw na parang inilaan na para sa mga bata na manood ng gusto nilang pelikula, at ito rin ang time na walang pasok ang mga parents nila kaya puwede silang samahang manood.

Dalawa ang pambatang movie, ang

Jack Em Popoy: The Puliscredibles (JEP), na pinagbibidahan ng comedian-host na si Vic Sotto, ng phenomenal star na si Maine Mendoza, at ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin; at ang Fantastica, na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, at Richard Gutierrez.

Pero laging nakakaagaw ng manonood ang suspense-thriller, horror movies, na dalawa rin ang entries ngayon, ang Aurora ni Anne Curtis, at ang OTLUM nina Ricci Rivero at Jerome Ponce.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kung nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang JEP, Graded A din ang family-drama movie na Rainbow’s Sunset, na umani ng mga papuri mula sa mga manonood. Nariyan din at Graded B ang One Great Love nina Dennis Trillo, JC de Vera at Kim Chiu; ang The Girl in the Orange Dress nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola; at ang Mary, Marry Me nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at Sam Milby.

Kung pagbabasehan ang dami ng mga taong tumili at sumunod sa float ng JEP kahit nabalaho ito sa putik ng kalye sa Parañaque na pinagsimulan ng parade last Sunday, sa manonood ng movie, tiyak na ang panalo nila. Hindi rin mabilang ang mga block screenings ng movie mula sa mga fans ni Maine, ng AlDub Nation, at mga fans din ni Coco.

Sana nga lang ay ‘yung totoong box-office movie ang manalo.

Paalaala lamang naming sa mga may MMFF season pass, hindi pa ninyo ito maaaring gamitin sa opening today, o ngayong Pasko. Pero bukas, puwede n’yo nang gamitin ang inyong pass.

-NORA V. CALDERON