SA pakikipagtulungan ng Alphaland Corporation kung saan magsisilbing punong abala sina Chess Circle Club founding head at president Leonardo “Nards” Jimenez at vice president Exy Perez, tutulak na ang pinaka-aabangan na All Masters Rapid chess tournament sa Disyembre 22 sa Activity Hall, 2nd Floor, Alphaland Makati Place, Ayala Avenue corner Malugay Street sa Makati City.

Ang one-day event na pinamagatang “ Handog Christmas sa Mga Philippine Chess Masters” ay isasagawa kasabay sa pagdaraos ng birthday celebration ni CCC founding head Leonardo “Nards” Jimenez na christmas treat na din sa country’s chess masters (NM, IM, FM, GM).

Ang registration fee ay libre at may kasamang merienda para sa lahat ng participants sa 9 Round Swiss-System, Rapid 15 minutes plus 3 second increments time control format.

Si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre ang magsisilbing event coordinator kasama si Lea Bautista.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Filipino titled chess players who are legible to join are GrandMaster / Women GrandMaster, International Master/Women International Master, FIDE Master / Women FIDE Master and National Master/Women National Master and no entry fee,” pahayag ni Jimenez.

Nakalaan sa magkakampeon ang P10,000 habang ang second hanggang sixth placers ay tatangap ng tig P7,000, P4,000, P3,000, P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod.