TARLAC CITY - Arestado ang isang seaman matapos ireklamo ng ka-live-in partner nito na madalas umano nitong binubugbog sa Tarlac City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Justin Rosauro Aquino III, 26, ng Magsaysay St., Barangay San Miguel, Tarlac City.
Sa salaysay sa pulisya ng 21-anyos na kinakasama ni Aquino, taga-Bgy. Balete, sinabi niyang hindi na umano niya matiis ang madalas na pambubugbog sa kanya ni Aquino, kaya nagsumbong na siya sa mga awtoridad.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children (RA 9262).
-Leandro Alborote