KINAILANGANG palitan ni KC Concepcion ng “little sister” ang original post niyang “half sister” na ang tinutukoy ay si Frankie Pangilinan, sa kanyang post tungkol sa debut ni Frankie.

Frankie copy

Ang dami kasing nag-react sa “half-sister” na post ni KC, na-bash siya at pinagalitan na hindi tamang tawaging “half-sister” si Frankie at dapat ay “sister” lang ang isinulat niya.

Nakikibasa na nga lang ay nangingialam pa ang netizens kahit wala namang masamang gustong tukuyin si KC sa post na, “When the designer is just as fun as the pieces they create. Getting ready (on) my “half-sister’s” debut on Saturday. Love ending the year with you @pattyyang_!!!”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Pero dahil sa OA na reaction ng netizens, naging “little sister” na ang post ni KC. Sabi ng isang nag-react, “using the word half sister seems a little weird and off” na sinagot ni KC ng “Does “little” sister sound better to you?”

May nag-agree sa netizen at ang sabi, “i agree. I love KC but somehow surprised too”, na muling sinagot ni KC ng, “Is saying “half” sister supposed to be negative? I never thought so and I have 7 of them.”

May mga kumampi naman kay KC at sila na ang sumagot sa nag-react na netizens. Totoo namang half sister niya si Frankie at mahal niya ito at ang iba pa niyang kapatid sa ina at ama.

Darating ang BF ni KC na si Pierre-Emmanuel Plassart para maging escort ni KC sa debut ni Frankie and by this time, nasa bansa na siguro si PEP dahil bukas na ang debut ni Frankie.

-Nitz Miralles