NAHULAAN kaagad ng mga taga-TFC na sumusubaybay sa teleseryeng Ngayon at Kailanman na magtatapos na ito sa Enero 2019 dahil unti-unti nang lumalabas ang katotohanan kung sino ang pumatay kay Rodrigo (TJ Trinidad) na boyfriend ni Rebecca (Iza Calzado) at tunay na ama ni Eva Mapendo (Julia Barretto).

Julia at Joshua

Sa pagkakaalam namin ay wala pang saktong petsa kung kailan mamaalam ang Ngayon at Kailanman sa Enero dahil wala ring sagot sa amin ang taga-production. Ang sabi lang, “hindi pa po napag-uusapan kasi busy sa tapings kasi magba-bakasyon na. Saka masaya po lahat kasi mataas ang ratings.”

Halata namang mataas ang ratings ng lahat ng shows ng ABS-CBN sa primetime dahil inaamin naman ito ng mga kakilala namin na taga-GMA 7.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Hindi dahil kailangan naming mag-monitor huh, talagang nanonood kaming grupo ng ‘Ngayon at Kailanman’ at saka ‘Halik’, grabe ‘yang halik ha. Talk of the town talaga,” say ng ka-tsika namin sa Siyete.

Anyway, base sa umereng episode ng Ngayon at Kailanman nitong Biyernes, nilaglag na ni Roxanne (Elisse Joson) si Stella (Alice Dixson) na kinuntsaba lang siya para magpanggap bilang si anak ni Rodrigo, upang malipat ang ari-arian ng mga Cortes sa pangalan niya.

Pinadoktor din ni Stella ang DNA test ni Roxanne para mag-match kay Rodrigo, gayundin ang kay Eva para naman hindi mag-match kay Rebecca.

Alam lahat ni Rebecca ang ‘laro’ ni Stella, pero tila hindi niya nahulaan kung ano ang plano ng huli dahil nu’ng ipakulong niya ang mama nina Inno (Joshua Garcia) at Oliver (Jameson Blake) ay may binabalak pala.

Sa nasabing episode pa rin, dinukot ng mga tauhan ni Stella si Rebecca at binugbog naman si Hernan. Ipinalabas kahapon, Lunes, ang kabuuan nito.

Hindi rin natunugan ni Rebecca na kakuntsaba ni Stella ang abogado ng pamilya Cortes na si Atty. Alfred (PJ Abellana).

Anyway, kaya pala masaya ang lahat ng bida sa Ngayon at Kailanman ay dahil consistent na panalo sila sa ratings game kumpara sa katapat nitong Onanay ng GMA tulad noong December 3 – 27.6% vs 17.7%; December 4 – 29.5% vs 16.4%; December 5 – 28.7% vs 14.4%; December 6 – 30.6% vs 16.2% at December 7 – 27.8% vs 14.4%.

-Reggee Bonoan