Nais ni Pangulong Duterte na mapalawig pa ang umiiral na batas militar sa Mindanao, batay sa rekomendasyon sa kanya ng pamunuan ng militar at pulisya.

Ito ay matapos hilingin kahapon ng Presidente sa Kongreso na suportahan ang isang taon pang pagpapalawig ng batas militar sa rehiyon, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

“One year and Mindanao,” sabi ni Medialdea, tinukoy ang naging desisyon ni Duterte sa panukalang muling palawigin ang martial law sa Mindanao.

“It’s the SP (Senate President) and Speaker who would call for a joint session probably on the President’s request for the extension of martial law,” dagdag pa ni Medialdea.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Matatandaang nagdeklara ang Pangulo ng batas militar sa Mindanao noong Mayo 23, 2017 ilang oras makaraang salakayin ng Maute-ISIS ang Marawi City, Lanao del Sur.

Nakatakdang magwakas sa Disyembre 31, 2018 ang martial law proclamation matapos pagbigyan ng Kongreso ang pagpapalawig nito.

Una nang napaulat na inirekomenda ng militar at pulisya kay Duterte ang pagpapalawig mula sa batas militar upang tuluyan nang masawata ang terror threats sa Mindanao.

-Genalyn D. Kabiling