SENTRO ng balitaktakan ngayon ng “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ang chess at baseball sa National Press Club sa Intramuros, Manila. Inimbitahan para magbigay ng kanilang pananaw sa katayuan ng chess at sa pagsabak ng National Team sa 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Prospero “Butch” Pichay, Asia’s first GM Eugene Torre at GM Jayson Gonzales.

Nakatakda ang torneo sa Dec. 9-19 sa Tiara Hotel sa Makati na tatampukan ng mga chess masters mula sa 16 bansa at magsisilbing qualifying para sa World Chess Cup 2019 sa Khanty-Mansyisk, Russia.

Sasandigan ang Team Philippines nina GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at Joey Antonio, IMs Jan Emmanuel Garcia, Haridas Pascua, Marvin Miciano, Paolo Bersamina at bagong ASEAN seniors champion Chito Garma sa men’s division, gayundin si WGM Janelle Mae Frayna sa women’s class.

Magbibigay din ng kanilang mensahe ang bagong UAAP junior baseball champion Ateneo de Manila, sa pangunguna ni sports director Randy Dizer. Winalis ng Ateneo ang National University, 2-0, sa best-of-three series sa Rizal Memorial Sports Stadium.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakda ang programa, suportado ng National Press Club, sa pamumuno ni Rolando ‘Lakay’ Gonzalo, ganap na 10:00 ng umaga