MAGKAKAMPI sina 2017 J&P Champion engineer Vergel Recaido at SPAT President Aris Lapuz sa napipintong doubles competition ng 10-Ball Tournament sa Disyembre 5-16 sa Verenza Mall sa General Santos City.

Nakataya ang P700,000 sa magkakampeon sa doubles competition na isinagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng ika-40 na kaarawan ni Senator Emmanuel D. Pacquiao, ayon kay tournament organizer Elman “Aries” Sacayanan.

“Gagawin ko ang aking makakaya na makapag perform ng maganda sa Sen. Pacquiao 10-ball tour,” sabi ng Mapua Institute of Technology BS Electrical Engineering graduate na si Recaido.

Ang presidente ng Copper Electronics Expertise Inc. na si engineer Recaido ang tumatayo ding secretary ng Makati Pool Players Association kung saan ang presidente naman ay si architect Eric P. Salud habang ang bise-presidente naman ay si Arvin Arceo

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!