TRULILI kaya na bukod kay Joshua Garcia ay niluluto rin ang love team nina Jameson Blake at Julia Barretto?

Tsika sa amin, dahil maganda ang chemistry nina Jameson at Julia sa seryeng Ngayon at Kailanman ay hinahabaan na rin ang exposure ng aktor at pareho na sila ni Joshua.

“Obviously, sina Joshua at Julia naman talaga ang loveteam on and off-cam, pero since maraming followers din ang Julia at Jameson kaya bini-build up ang love team nila.

“Kung mababasa mo ‘yung mga comments sa iWant maraming may gusto rin kay Jameson for Julia.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At maganda ‘yun, kasi ‘yung love triangle nila ang inaabangan talaga sa Ngayon at Kailanman, nakakatawa nga, may Team Josh at Team Jameson na,” kuwento ng taga-Dos.

Kaya pala biglang nabago ang kuwento sa parte ni Jameson na noong una ay tanggap na niyang kay Joshua mapupunta si Julia, pero nitong mga nakaraang episodes ay persistent siyang ligawan ang dalaga kahit na sinabihan siyang “friends lang tayo” ay tuloy pa rin ang binata sa panliligaw.

Hindi titigil si Jameson hangga’t hindi niya mapapasagot si Julia.

Anyway, wala namang dapat ikabahala ang supporters ng JoshLia dahil in real life ay sila naman ang magkarelasyon.

Sigurado naman kami na walang planong ligawan ni Jameson ang aktres sa tunay na buhay.

Samantala, sa kuwento ng Ngayon at Kailanman, matuloy kayang makuha ni Elisse Joson (Roxanne) ang kayamanan ng Cortes na utos ni Stella (Alice Dixson)? Nagpanggap kasi ang dalaga na siya ang nawawalang anak ni Rebecca (Iza Calzado) at tagapagmana ng mga Cortes.

Pero hindi tanga si Rebecca dahil alam niyang ginagamit ni Stella si Roxanne para manmanan siya.

Abangan sa Lunes kung matutuloy ang planong pagpapahusay ni Doña Carmen (Rosemarie Gil) sa katawan ni Rodrigo (TJ Trinidad) para sa DNA test ng nagpapanggap niyang apo.

Sumang-ayon si Stella sa plano ng biyenan kasi ito naman talaga ang plano niya, ang mapaniwalang si Roxanne ang nag-iisang tagapagmana ni Rodrigo, para makuha niya ang kayamanan ng Cortes at pagkatapos ay saka niya ipaliligpit ang dalaga.

Mapapanood ang Ngayon at Kailanman pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano at sa iWant. ph anumang oras at ng libre.

-Reggee Bonoan