GINIBA ng Generika-Ayala ang Cocolife,26-24, 20-25, 25-17, 25-19, nitong Huwebes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre.

FOCUS sa kanyang depensa si Denden Lazaro ng Generika-Ayala sa isang tagpo ng kanilang laro kontra Cocolife sa PSL All-Filipino

FOCUS sa kanyang depensa si Denden Lazaro ng Generika-Ayala sa isang tagpo ng kanilang laro kontra Cocolife sa PSL All-Filipino

Hindi nasaksihan ng lumiban na si coach Sherwin Meneses ang gilas ng Lifesavers, ngunit, inaasahang abot-tainga ang kanyang nginit sa ikaapat na sunod na panalo ng Generila sa torneo.

Kasosyo ng Generika-Ayala ang Cignal sa ikaapat na puwesto tangana ng parehong 4-3 karta.

Amang OFW ng nasawing 5-anyos sa NAIA, 'di nakaalis ng bansa; DMW, makikipagtulungan sa employer

Nanguna si Patty Orendain sa Life savers sa naiskor na 22 puntos, habang kumana si Fiola Ceballos ng 20 markers, 13 digs at 13 excellent receptions.

Kumana sina Angeli Araneta at Ria Meneses ng 18 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang tumipa si libero Kath Arado ng 31 digs at 21 excellent receptions sa larong umabot sa mahigit dalawang oras.

“We started the conference with three straight losses. That was tough. But when we won over F2 Logistics, that’s when things turned around for us,” sambit ni Generika-Ayala assistant coach Parley Tupaz.

“After that win, we gained confidence, we were able to play at our best,”aniya.

Hataw si Filipino-American spiker Kalei Mau sa naiskor na game-high 26 puntos, 12 digs at 16 excellent receptions para sa Cocolife (1-6).