PURING-PURI ni Megastar Sharon Cuneta si Kathryn Bernardo sa post nito last November 16, habang nasa shooting Star Cinema’s film na Three Words To Forever sa Ormoc. Sa kanyang video post, pinuri ng Megastar si Kathryn for being “genuine,” “sweet,” at “lovable”. Hiniling din nga niya na sana ay naging anak niya si Kathryn.

Sharon

Hindi pa sapat ang mga papuring ‘yun, dahil ayon sa kanya, masuwerte daw si Daniel Padilla dahil mayroon itong Kathryn sa buhay niya.

Makakapareha ni Sharon ang dating boyfriend niyang si Richard Gomez sa pelikula habang si Kathryn naman ay katambal ang ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Tommy Esguerra.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Showing na sa November 28 sa mga sinehan nationwide ang Three Words to Forever.

-Ador V. Saluta