Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

7:00 n.g. -- Meralco vs Alaska

UNAHANG makalapit sa inaasam na pagpasok sa kampeonato ang Meralco at ang Alaska sa pagpuntirya ng kani-kanilang ikalawang panalo ngayong gabi sa muli nilang pagtutuos sa Game 3 ng kanilang best-of-5 semifinals series para sa 2018 PBA Governors Cup.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

NANGIBABAW ang Meralco Bolts sa duwelo sa Alaska Aces sa PBA Governors Cup semifinal series. (RIO DELUVIO)

NANGIBABAW ang Meralco Bolts sa duwelo sa Alaska Aces sa PBA Governors Cup semifinal series. (RIO DELUVIO)

Magsisimula ang ikatlong tapatan sa semis ng Bolts at ng Aces ganap na 7:00 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa tulong ng magandang simula at halos perpektong freethrow shooting partikular ss endgame ay naitabla ng Aces ang serye sa 1-1 sa pamamagitan ng 100-95 na panalo sa Game 2 noong Martes ng gabi sa MOA Arena.

Sa pangunguna ni import Mike Harris at mga guards na sina Simon Enciso at Chris Banchero maagang umalagwa ang Alaska bago sila naisalba ng mga krusyal nilang freethrows sa endgame kung saan nakuhang humabol ng Meralco.

“We got out of a hole and we’ve now got a best-of-three,” ani Alaska coach Alex Compton makaraang maitabla nila ang serye sa 1-1.

Ngunit, dahil sa ipinakitang pagbalikwas ng Bolts mula sa pagkakaiwan ng hanggang 20-puntos, ayon kay Compton ay kailangang mas higitan nila ang ipapakita ng katunggali sa semis.

“You can see the spirit of Meralco in the end. Hindi talaga biro at dapat mas maganda ang ipakita namin,” anang Aces mentor.

-Marivic Awitan