Pinaiimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 21 dating lokal na opsiyal ng Malay, Aklan dahil sa umano’y ilegal na paggamit ng environment and admission fee (EAF) sa Boracay Island.

Ito ay matapos na madiskubre na ang nakolektang P75 fee mula sa mga turista sa Boracay ay ginamit upang pondohan ang solid waste management project ng ibang barangay.

Inirekomenda ng NBI ang kasong graft, malversation, at technical malversation laban sa 21 dating lokal na opisyal sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga opsiyal na pinaiimbestigahan ay sina Malay Mayor Ciceron Cawaling, Vice Mayor Abram Sualog, dating Mayor John Yap, dating Vice Mayor Wilbec Gelito at ilan pang municipal councilor na nagsilbi simula 2007 hanggang 2017.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Binigyang-diin din ng NBI ang nawawalang P84.86 milyon sa pondo, base sa EAF report na isinumite ng Malay municipal treasurer simula 2012 hanggang 2017.

-Beth Camia