SINIMULAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang serye ng dayalogo sa mga National Sports Associations (NSAs), partikular yaong may mga problema sa liderato at ‘liquidation report’.

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang dayalogo ay paraan upang malaman ng pamahalaan ang mga suliraning bumabalot sa mga sports association at kung paano matutugunan ng ahensiya ang kanilang mga hinaing.

“We are here not to intervene but to listen,” pahayag ni Ramirez. “What we can do is to present this to the consultative meeting with the POC and help them find a solution,” aniya.

Unang hinarap ng PSC ang mga stakeholders ng Philippine Taekwondo Association (PTA).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Ramirez, wala silang planong makialam sa problema ng NSAs ngunit nais nilang pakinggan ang hinaing ng mga miyembro nito at humanap ng tamang solusyon.

“After these series of dialogues, the complaints and information we will gather, we will discuss this on Wednesday, Nov. 14 with my Board of Commissioners, the Executive Director, Deputy Exec Directors, my chief of staff and our legal team,” sambit ni Ramirez.

Pormal na isusumite ng PSC ang mga hinaing sa kanilang consultatuve meeting kasama ang POC sa unang linggo ng Disyembre at inaasahan na may aksyon agad ang nasabing kumite hinggil dito.

Nakaharap din ng PSC kahapon ang dragonboat, gayundin ang table tennis at swimming na kapwa may suliranin sa liderato at hindi pa rin nareresolba kahit nagpalit na ang pamunuan sa POC.

-Annie Abad