HANGGANG ngayon ay hot topic pa rin ang unang digital movie ng Dreamscape Digital na Glorious, na pinagbibidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca. Mayroon nang mahigit 8.5 million views ang trailer nito simula nang i-post sa Facebook nitong Sabado.

Angel copy

Overwhelmed naman si Angel sa naging reaksiyon ng mga tao sa kanilang soon-to-be released movie sa IWant app ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat ang aktres sa mga naging “curious” sa movie, at ngayon ay nag-aabang na sa Glorious.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sarap naman to wake up to this wonderful news!!! Thanks to everyone who got curious! Thanks all for the generous compliments and support!” saad sa post ni Angel matapos na umabot sa limang milyon ang views sa trailer nitong Lunes, November 5.

Nakatulong sa pag-like ng milyones na followers ang usap-usapang steamy at sexy scenes nina Angel at Tony sa kuwento tungkol sa isang 50-year old na babae na-in-love sa isang 21 anyos na lalaki.

Sinabi naman ni Tony sa kanyang IG post na mapapanood na ang Glorious sa IWant app simula sa November 17, at directed ito ni Connie Macatuno.

-Ador V. Saluta