KAPANGAN, Benguet – Sinabi ni Mindanao State University (MSU) Prof. Henry Daut ang nararapat at napapanahon na pahalagahan ang katutubong laro na siyang kaluluwa ng lahing Pinoy.

Sa ginanap na Indigenous Peoples Games seminar, sinabi ni Daut na marapat lamang na ipagpatuloy ang mga laro sa kabila ng kaunlaran at modernong gadgets na pinagkakaabalahan ang kabataan.

“We need to preserve those games na nilalaro ng ating ancestors and revive it para magkaroon tayo ng preservation ng ating cultural heritage,” pahayag ni Daut.

Ayon sa propesor, importanteng malaman ng mga kabataan ngayon ang mga katutubong laro upang mas marami pang kabataan and mabigyan ng pagkakataon na makalahok hindi man sa mga regular sports ngunit sa mga traditional sports na gaya ng mga nilalaro ng mga tribu.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The level of excitement is the same as the excitement when you are playing or watching the regular sports like basketball or boxing. So ganun din. Now kung may mga bata na Hindi uubra sa basketball why not include them to play these traditional sports,” aniya.

Inamin naman ni Daut na mangangailangan ng mas malawig pa na pagsasaliksik para mas lubusang mailaro ang mga traditional sports.

Kasabay ng pagsasagawa ng proyekto ng Philippine Sports Commission (PSC) na IP Games ay inilunsad naman ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang pagpapakilalang muli sa IP games bukod pa sa pagpapasabatas nito sa Pilipinas.

“ UNESCO is trying to promote the preservation of indigenous games at ang Philippines ngayon lang nag-uumpisa through the Philippine Sports Commission,” ayon pa kay Daut.

Sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, isinulong ang IP Games, sa pangangasiwa ni Commissioner-in-Charge Charles Maxey.

Kabilang sa mga katutubong laro na nilalato ngayon dito ay ang sidking aparador, tiklaw, kadang-kadang, sungka, dama, patintero, prisoner’s base, pangke, pakwel, dad-an di pato, palsi-it, ginuyudan at sanggol.

Ito ang ikaapat na leg ng PSC- IP Games kung saan unang ginanap ang unang tatlong edisyon sa Davao del Norte, Lake Sebu, Ifugao at dito nga sa Benguet.

-Annie Abad