RIYADH (AFP) – Umalis na sa Saudi Arabia patungong Washington si Salah, ang panganay na lalaki ng pinaslang na Saudi journalist na si Jamal Khashoggi, kasama ang kanyang pamilya matapos alisin ng Gulf kingdom ang travel ban, sinabi ng Human Rights Watch nitong Huwebes.

‘’Salah and his family are on a plane to (Washington) DC,’’ ani Sarah Leah Whitson, HRW executive director for the Middle East and North Africa.

Makakasama na ni Salah, dual US-citizen, ang iba pa niyang mga kapatid na nakabase sa US.

‘’It is tragic that it took his death to get the Saudi authorities to grant them the freedom to travel,’’ ani Randa Slim, director of conflict resolution sa Washington-based Middle East Institute, na personal na kakilala ni Khashoggi.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Si Jamal Khashoggi, Washington Post contributor, ay pinatay noong Oktubre 2 matapos bumisita sa Saudi consulate sa Istanbul para kumuha ng mga papeles para sa kasal nila ng kanyang Turkish fiancee.