PINATUNAYAN ng Davao Cocolife Tigers na mas mabagsik sila kontra kalabang Mandaluyong El Tigre nang ipalasap ang 86-63 panalo sa Vis Min Invasion ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kamakalawa sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

Agad na kinontrol ng host team na pag-aari ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU at ayudante nina Cocolife president Elmo Nobleza, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan ang bakbakan sa unang half sa naiposteng 43-32 bentahe.

Naging mabagsik ng Davao Cocolife Tigers sa ikatlong yugto sa pagtutulungan nina PBA veterans Mark Yee Leo Najorda, Bonbon Custodio, Ilonggo superstar Billy Robles , best player ng laro na si Emman Calo at tinampukan pa ng humahaginit ng tres ng homegrown star cager na si Leo Paler para hilahin ang bentahe sa pinakamalaking 23 puntos.

Nasakmal ng Tigers ang ikapitong sunod na panalo at mahablot ang liderato sa team standing ng South Division (9-3) ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Mandaluyong El Tigre ay naglaro na wala si star player Ray Parks na may injury.

“Our veterans guided us at pinatibay ito ng motibasyon nina coach na di patatalo sa sariling territory,” pahayag ni Calo.