Magpapadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng emergency cash assistance sa 30 Pinoy workers na stranded ngayon sa Jizan, Saudi Arabia.

Hiniling ni Consul General Edgar Badajos ang ayuda matapos masuri ni Welfare Officer James Mendiola ang kondisyon ng nasabing grupo sa Jizan, may 730 kilometro ang layo mula sa timog ng Jeddah.

Ang 30 Pinoy ay ipinadala bilang land-based workers subalit nasadlak sa pagiging mangingisda. Umalis sila sa trabaho dahil hindi sila sinusuwelduhan at iba pang isyu sa paggawa.

-Bella Gamotea
Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya