NGAYONG Lunes ang simula ng shooting nina Sylvia Sanchez at Nonie Buencamino ng indie film na When Sadness Lingers, at sa Cebu City ito kukunan sa loob ng sampung araw.

Shamaine, Nonie, Sue at Marco kasama si Direk Kim Tai Sik

Base sa kuwento ng misis ni Nonie na si Shamaine Centenera Buencamino, kukunan muna ang pelikula nina Nonie at Ibyang bago suila tutulak patungong Seoul, South Korea sa Oktubre 30 para naman sa pelikulang Sunshine Family, na ipo-produce ng Film Line Pictures LTD at Spring Films, at ididirehe ng award-winning Korean director na si Kim Tai Sik.

Going back to Ms Shamane, excited siya dahil unang beses pala nilang magtatambal bilang mag-asawa ni Nonie sa pelikula.

Tsika at Intriga

Sanya Lopez, pinatutsadahan si Barbie Forteza?

“In our 28 years of marriage, first time naming mag-work as husband and wife sa movie. Naging mag-asawa sa stage (play) at sa telebisyon, pero sa pelikula hindi pa,” bungad ng wifey ni Nonie.

Parehong magaling umarte ang mag-asawa, kaya tinanong namin kung hindi ba sila nawawala kapag magka-eksena sila.

“Sanay na. Alam mo kasi nung kabataan pa namin iba talaga ‘yung proseso namin sa pag-arte. Kung may mga taong pagkakakatiwalaan, si Nonie ‘yun. ‘Pag kailangan ko ng critic lalo na sa theater or kung may ginagawa akong play, ‘pag kailangan ko ng second opinion, siya (Nonie) ang tinatanong ko. I trust his sense of what his good, pero hindi ibig sabihin nun, eh, hindi kami nagtatalo. Nagtatalo sa proseso namin, kasi iba kami, iba rin naman ang pagkatao namin,” kuwento ni premyadong aktres.

Aminado si Mrs. Buencamino na mas maraming project sa kanya ang asawa niya, at walang isyu iyon sa kanila.

“Hindi naman, kasi share naman kami ng bank account, eh. Ha, ha, ha! Kahit mas malaki ang suweldo niya sa akin, okay lang ‘yun. Hindi ko naramdaman iyon kay Nonie na mas malaki ang pangalan niya sa akin sa showbiz.

“Very supportive rin kasi si Nonie. Like sasabihin ko, ‘sana magkaroon din ako ng main kontrabida role tulad mo’. Sasabihin niyan, ‘huwag kang mag-alala, darating din ‘yan’.”

Bagamat parehong busy sina Nonie at Shamaine ay hindi sila nawawalan ng oras sa isa’t isa dahil pareho silang homebody.

“Kapag wala kaming trabaho, nasa bahay lang kami kalimitan or nanonood man kami ng play o palabas. Kami rin ang magka-date. Hindi kami mahilig mag-party, sa edad na rin namin siguro,” sabi sa amin ng aktres.

Selosa ba si Shamaine?

“Oo! Selosa! ‘Pag meron akong nararamdaman na (may) interes sa kanya, siyempre showbiz, ‘di ba? Like maraming roles na mag-asawa sila at matagal (ang serye), ‘pag may nararamdaman ako, sinasabi ko ‘yun sa kanya.

“Minsan nagpapaalam siya na pupunta siya sa ganyan, sasabihin ko kaagad, ‘hindi!’ Sumusunod naman, so far,” natatawang kuwento ng misis ni Nonie.

Hindi naman itinanggi ni Shamaine na sa 28 years nilang mag-asawa ay nagkaroon na rin daw ng “on-the-side” ang aktor.

“Marami na kaming problemang dinaanan, as in like major cause of break-ups for other couples. Palagay ko pinagdaanan na namin lahat. Stick pa rin kami, kasi desisyon ‘yun. ‘Pag may problema talaga kami, (dasal namin) ‘Lord, tulungan mo ako’. Sa kanya lang talaga ako lumalapit.”

Samantala, natanong namin kung pinagselosan ni Ms Shamaine si Sylvia Sanchez, dahil ilang beses nang gumanap na mag-asawa nina Nonie at Ibyan, gaya sa mga seryeng The Greatest Love (2016), My Super D (2016), at ngayon nga ay sa pelikulang When Sadness Lingers. Marami kasing nagsasabing bagay ang partnership nina Ibyang at Nonie.

“Hindi naman, kasi si Sylvia alam kong very strong ang marriage. Tapos alam ko na mapagmahal na tao si Sylvia, mapagbigay maski kanino. Like sa co-actors niya, sa reporters. Sa totoo lang, we received so many gifts from Sylvia, mostly pagkain kasi mahilig din siya sa pagkain katulad ni Nonie. So ‘yun ang kanilang exchange of what, kasi ‘yung relationship nila nagpapalitan sila ng pagkain.

“Eh, nagbe-benefit din naman ako. At si Nonie mahilig magluto, so nagpapadala rin siya sa family ni Sylvia,”masayang kuwento ni Ms Shamaine.

At for the record, ang aktres pa ang nagkuwento sa amin na bago nga sila tumulak patungong Korea ay gagawa muna ng pelikula sina Nonie at Ibyang sa Cebu.

Going back to Shamaine, nagpaalam na raw siya sa FPJ’s Ang Probinsyano na mawawala muna siya sa serye, dahil 10 days din sila sa Korea para sa shooting ng Sunshine Family kasama sina Sue Ramirez at Marco Masa, na gaganap bilang mga anak nila.

-Reggee Bonoan