MISTULANG kumpirmado nang kakandidato nga para congressman ng 3rd district ng Quezon City si Mayor Herbert Bautista sa 2019. Nasa huling termino na siya bilang mayor ng lungsod.

Ito ang nakuha naming impormasyon mula sa aming source, na naispatan ang mga supporter ni Mayor Bistek sa isang basketball game na nakasuot ng jacket na may nakasulat na: “Mayor Herbert Bautista, Congressman District 3 Quezon City.”

Wala pang pormal na pahayag tungkol dito kaya wala pang nagsusulat.

Tanda naming nang tinanong namin si Mayor HB sa pa-birthday niya sa entertainment press noong Hulyo 8, 2018 kung siguradong congress na ang susunod na target niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi pa, Reg, huwag muna, wala pa. Malalaman naman ninyo,” pakiusap noon ni Mayor Bistek.

Kaya hindi namin muna isinulat ang kuwento sa amin ng aming source, na konektado sa mga Bautista.

At dahil nakita na sa publiko na suot ng supporters ni Mayor ang nasabing jacket ay puwede na siguro namin itong isulat.

Habang tinitipa namin ito ay nag-text kami sa isa pang may kinalaman kay Mayor Bistek kung kailan ang formal announcement, pero hindi niya kami sinagot hanggang sa natapos kaming magtipa.

-REGGEE BONOAN