PATULOY sa epektibong pagganap ng kanyang papel bilang lead pointguard ng koponan ng Blackwater sa ginaganap na 2018 PBA Governors Cup si John Nard Pinto.

Ang dating Arellano University court general ay isa sa dahilan at nasa likod ng mainit na panimula ng Elite sa season ending conference kung saan kabilang sa mga tinalo nila ay ang NorthPort at defending champion Barangay Ginebra para maitala ang franchise-best start na 4-0.

Nagtala si Pinto ng averaged all-around numbers na 11.5 puntos, 9.5 assists, 4.5 rebounds at 2.0 steals sa nakaraang dalawa nilang laro na naging dahilan upang mahirang na Cignal-PBA Press Corps Player of the Week noong Setyembre 17-23.

Ang 19th overall pick ng NorthPort noong 2014 ay nagtala ng 8 puntos, 7 rebounds, 13 assists at 2 steals sa 113-111 panalo ng Elite kontra NorthPort Batang Pier noong Setyembre 19.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dalawang araw matapos ito, ang kanyang steady playmaking at timely baskets ang tumulong naman sa Elite para gulantangin ang Kings, 124-118, sa overtime.

Tumapos si Pinto na may 15 puntos, 6 assists, 3 steals at dalawang blocks sa loob ng 38 minuto sa loob ng court.

Sa kasalukuyan, may kabuuang average si Pinto na personal-best stats line na 12.5 puntos, 7.5 assists at 4.5 rebounds, na inaasahan niyang masustinahan upang matulungan ang Elite na makamit ang twice-to-beat incentive papasok ng playoffs.

-Marivic Awitan