KONTROBERSYAL ang tweet ni Jenine Desiderio na, “We’ve been quiet kahit anak ko na tinulak palabas ng van at nahulog sa kalye. Pero para baligtarin pa kami, ibang usapan na yan.”

Wala mang binanggit na pangalan si Jenine, ay tinukoy agad ng mga nakabasa na ang anak niyang si Janella Salvador ang umano’y itinulak palabas ng van ng rumoured boyfriend nitong si Elmo Magalona.

Pumalag ang fans nina Elmo at Janella sa akusasyon ni Jenine at nakipagsagutan pa ang mga ito sa aktres. Kung wala raw pruweba si Jenine ay tumigil siya sa pagbibintang. May nagsabi namang dapat idemanda ni Jenine si Elmo kung talagang sinaktan nito si Janella dahil bukod sa akusasyon niya, ay nakitaan rin ng pasa sa kanang braso si Janella na patunay na hinawakan ito ng madiin.

Giit naman ng ibang bashers, nag-iingay lang daw ito dahil laos na. pati nga si Janella ay inaaway na rin nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, may mga kumampi at nagtanggol naman sa mag-inang Jenine at Janella. Ang ending, ang pro at anti-Jenine na ang nagsagutan.

Kaabang-abang ang mga susunod na hakbang ni Jenine tungkol sa isyu. At pakiusap ng ibang commenters ay magsalita na rin si Janella para malaman kung totoo ang tweet ni Jenine.

-NITZ MIRALLES