Natodas ang isang umano’y kaanib ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos umanong manlaban sa pulisya, habang naaresto naman ang dalawa niyang kasamahan sa anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Cotabato City, kahapon.

Kinumpirma ni Chief Insp. Tirso Pascual, hepe ng Police Station 4 ng Cotabato City Police Office (CCPO), na isang miyembro ng MILF si Reny Giilal Ukad, 43, ng Datu Piang, Maguindanao, nang masamsaman ito ng identification (ID) card ng kanilang grupo.

Nakakulong naman ngayon ang dalawang kasamahan ni Ukad na sina Albert Tan, 35; at Munjahid Guiamel, 37, nang madakip sila ng pulisya sa isang lodging house sa nasabing lungsod.

Nasamsam din umano kay Ukad ang dalawang malalaking sachet ng shabu, .38 caliber revolver na may mga bala, isang cell phone at isang motorsiklo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ipinagharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang suspek.

-Fer Taboy