NAGSIMULA sa stage ang pag-arte ni Laurice Guillen, na kalaunan ay matagumpay na pinasok ang pelikula. Naging paborito siya ng mga yumao at kapwa maalamat na sina Lino Brocka at Danny Zialcita. Later on ay binigyan siya ng break para magdirek.

Direk Laurice copy

Adult relationship ang tema ng mga pelikula that she has megged. O kaya ay family-oriented, gaya ng klasikong Tanging Yaman mula sa Star Cinema.

Ang tagumpay na tinamo ng teleseryeng Ika-6 Na Utos ng Kapuso network ay pagpapatunay ng walang kupas na galing ni Direk Laurice. Alam niya kung paano mag-motivate ng artista. ‘Ika nga, kahit na ang pinakabanong artista ay napapaarte ng direktor na kasing husay niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya naman hindi na kataka-taka na siya uli ang nagdidirek ng bagong teleserye ng GMA-7, ang Ika-5 Utos, na nagsimulang mapanood nitong Lunes.

Nilinaw ni Direk Laurice na hindi sequel ng Ika-6 Na Utos ang Ika-5 Utos, although ang tema ay parehong battle between good and evil. Gaya ng isinasaad ng pamagat, may patayan sa serye at may mga maintrigang developments ang kuwento nito.

With Direk Laurice at the helm, tiyak na wagi na naman ang Kapuso network sa bago nilang handog, ang Ika-5 Utos.

-REMY UMEREZ