BAGAMAT nakalista pa rin bilang No. 11 contender kay WBC super flyweight champion Srisaket Sor Runvisai, umakyat ng timbang si three-time world champion John Riel Casimero na nagwagi sa kanyang laban kay Mexican journeyman Jose Pech via 2nd round knockout sa Tijuana, Mexico kamakailan.

Lumalaban na sa featherweight division si Casimero makaraang maging WBO at IBF light flyweight champion at huling hawakan ang IBF flyweight title na binitiwan niya makaraan ang matagumpay na depensa kay Briton Charlie Edwards na pinatulog niya sa 10th round sa 02 Arena sa Greenwich, sa London, United Kingdom noong Setyembre 10, 2016.

Unang sumubok si Casimero sa bantamweight division noong Hunyo 25, 2017 sa Iligan City, Lanao del Norte kung saan dinaig niya sa 6-round unanimous decision ang beteranong si Jecker Buhawe.

Sumubok si Casimero sa super flyweight division noong Setyembre 16, 2017 sa Cebu City kung saan tinalo siya sa 12-round unanimous decision ni Jonas Sultan sa IBF super flyweight eliminator bout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa laban kay Pech na tumimbang si Casimero ng mahigit 125 pounds, magaang niyang tinalo ang beteranong si Pech na napatigil niya sa loob lamang ng dalawang rounds.

Nakabase ngayon sa United States si Casimero na umaasang mapapalaban sa world rated boxer sa featherweight division sa lalong madaling panahon para magkaroon ng world title crack.

-Gilbert Espeña