QUITO (AFP) – Sinimulan kahapon ng ministers mula sa isandosenang bansa sa Latin America ang dalawang araw na pagpupulong sa Ecuador upang talakayin kung paano mawakasan ang malaking migrant crisis ng Venezuela na yumanig sa rehiyon.

Nanawagan ang Colombia, Ecuador at Peru ng karagdagang pondo mula sa mayayamang bansa para tulungan silang matugunan ang malaking bulto ng mga tumatawid na Venezuela na tumatakas sa krisis sa ekonomiya.

Kasama sa pagpupulong sa Quito ang mga minister mula sa Argentina, Brazil, Colombia, Costa Rica, Chile, Mexico, Panama, Paraguay, Peru, Dominican Republic, at Uruguay. Imbitado rin ang Bolovia na kaalyado ng Venezuela.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture